Friday, September 5, 2008

Hellsong lyrics

Hellsong (lyrics and chords)

HELLSONG by Ogie Cayabyab
(Key of G, C D Bm Em C D G lang ang chords)

Alam mo ba kung saan ka pupunta
kung patuloy ka sa pagkakasala
O alam mo ba kung saan ka pupunta
kung ikaw ay di handa

Kung anong ganda ng langit
Ay may lugar naman na kay pangit
At kay rami dung inaadmit
Lalo na yung may sabit

Ang dilim dilim dilat man o pikit
Uod doon you’re the food na favorite
Kulang man ang ngipin magiging complete
Sa sakit magngangalit

chorus

Pamaypay ay wala pati electric fan
Lalong wala doong aircondition
Wala ring ni isang bombero
Na sa iyo’y sasaklolo

Higanteng pugon na hindi namamatay
Mala-dagat na apoy na walang humpay
Sure na sure sa iyong maghihintay
Kung tuluyang pasaway

chorus

Ang lugar na iyon ay iwasan
Mahal mo sa buhay please pagsabihan
Dun magkitakits sa kalangitan
Si Hesus tanging daan.

Dun magkitakits sa kalangitan
Si Hesus tanging daan
Si Hesus tanging daan
Si Hesus tanging daan.

3 comments:

Gedeon"JERO" said...

Alam nyo po nakakanta ko na po yung Hellsong nyo sa mga concert namin sa Bulihan UNIDA at sa childrens camp namin. Pero mas nauna po ang Daddy ko kase kinanta nila sa Leyleaders nila. Ung cd na binili nmin sa SM hiniram ng Ninong ko di na po nabalik. Pero ok lang. Sana po makakanta ako kasama kayo. Godbless!

jenill said...

Samalat po.

Unknown said...

Reality song!!